(Source: frozen-hime)
Sorry to have this tagalog post, but WE’RE REALLY DEPRESSED on what happened earlier. Our three day team building GOT CANCELLED THE LAST MINUTE. Just before we go inside the university bus.
Sabi nila wag nalang daw ito ipagsabi.. Pero since na gantong time at alam kong walang makakabasa… Ito na.. Mag rarant na ako
Alam niyo ung excited kayong magkabarkada, ‘yung tipong di na kayo makapagconcentrate sa mga exams, lectures at laboratory niyo dahil mamayang gabi na yung team building niyo? ‘Yung tipong nagtatanong kay sa isa’t-isa kung ano mga dala niyo, kung kumpleto ba, ano kaya itsura nung pag iistayan namin, pano kaya ako makakaswimming tutal meron ako… Tapos dinagdagan ko pa ng load si BF para makapag unli siya ng 7 days…
Tapos nung dental materials time ko na. Nakita ko president namin. May kausap sa phone. Nag hi ako tas nag hi siya pabalik sakin. Pero di masigla tulad ng dati. Nakutuban ko na, baka may masama. Pero nasaisip ko lang, siguro dahil sa groceries o baka dahil sa kung ano mang bagay na di naman ganun kaimportante.
So ayun. After ng last class namin, excited na kaming tatlo. Dali-dalian kaming nagayos at pumunta sa meeting room. Syempre. Kami nauna. Tas nag mini grocery kami ni Karren sa mga kulang naming goods.
Tas pagakyat namin, ilang minutes dumating na si president namin tas nagtatanong asan na ‘yung iba. Parang galit. Tas umalis siya.. Mamaya dumating na ung iba, ‘tas bumalik na din siya. Then sabi niya na “Sorry guys, indi sa mukhang pinagmumukha namin kayong tanga pero under certain circumstances, di na tuloy ang team building” Tas mahabang eksplanasyon. Pero to cut is short, indi umabot sa President ng university ung papers ng team building. Pero lahat na may pirma. Dean, SAO, etc…
We have three choices: POSPONE, CANCEL o ituloy ng palihim sa university.
Itutulay sana kaso iririsk ang name ng PDSA at baka malaman ng magulang tas magreklamo.
HAYYY :( Sayang ang pagiimpake. Ung excitement.. Nawala. DEPRESS!
NIGHTNIGHT by DEDDY